Friday, February 20, 2009

"Death Anniversary"



Today is the 3rd Death anniversary of my late father Wilfredo Ejercito Paracuelles. He is not a perfect father for my family but he is still my father.. Im not closed to him but he is still in my heart. When he died,am on his side, I hear the last Word from him, and those word is for my family, and for me.... oh my GOD the tears and pain in my heart i can not imagine.
Isa din sa dahilan kung bakit nagkaganon ang kalagayan ni papa....AKO... Our family is not a perfect sa mata ng tao at Diyos. Lagi nag aaway sina papa at nanay..kung ano ang dahilan ay mananatili yon sa aming alaalang magkakapatid at kamag anak. New year ng 2006 huli kong nasaksihan na mag away ang aking mga magulang... pumagitna ako s kanilang dalawa at nagbitiw ng di magandang salita.... "Kelan pa ba kayo titigil sa pag aaway, simulat pagkamulat ko sa mundong ito away na ang naririnig ko....nagdarasal kaming magkakapatid para maging matahimik ang buhay natin, pero walang nangyayari. ano gagawin ko magdadasal kung kelan kayo mamatay para matapos na ang lahat. Yon ang huling binitiwan kong mga salita sa magulang ko at akoy umalis saming tahanan patungong Davao. after 50 days naospital ang aking ama. Kinabahan ako, mangyayari na ba? ang binitawan kong salita.. kinabahan ako... Pagdating ko sa Ospital kinausap ako ng aking kapatid na okay na raw ang kalagayan ni Papa, at siya ay babalik na ng davao para sa kanyang trabaho (5pm yon). 7 pm ng gabi ginising ko si Papa para kumain. Di nya kinain ang adobong manok na ulam, isang slice na manga ang naging ulam nya.. Masigla si papa sa mga oras n iyon. Pagkalipas ng isang oras tinawag nya ako upang sya ay umihi, nanlamig na ang buong katawan ni papa at nagsimula n sya nagsalita ng pagsisi sa sinapit ng kanyang pamilya. sa kanyang naging bisyo noong sya ay binata pa at di maayos na pamilya... Guilty n ako noon sa mga sinabi ko sa kanya... Tumutulo n ang aking luha dahil alam ko , yon na ang huling gabi nya na makapiling ko sya.. Pagkalipas ng isang oras, wala ng boses akong maririnig mula kay PAPA. Comatose na sya, nagpanic na ako, tumawag ng doctor at nagpakuha ng oxygen... Halos gumuho na ang aking mundo sa mga oras n iyon,. Mamamatay na ba sya... I pray to God na Bigyan pa ng pagkakataon si papa na aming makapiling... pero sya ay pumanaw. February 20,2006 namatay ang aking ama. bago sya nalagutan ng hininga nabulong ko sa kanya ang aking pagsisi at sinabi ko sa unang pagkakataon na mahal ko sya.. tumulo ang luha ni papa kahit sya ay comatose noon...

Naalala at umiiyak ako pag nakakita ako ng manga, dahil yon ang huling kinain ng aking ama bago sya pumanaw.... PAPA MAHAL NA MAHAL KITA... PATAWARIN MO AKO... I MISSED YOU SO MUCH....


2 comments:

Ken said...

hello po, kung saan man si father earth mo ngayon, sana maligaya sia sau and sa family mo.

Unknown said...

yo sup ronan?

I'm inviting you to join the EARTH HOUR 2009!

just check it out! :]

http://jeszieboy.blogspot.com/2009/03/flick-that-switch-off-make-difference.html