Sunday, March 22, 2009

LUV HURTS March 22


MALI BA ANG MAGMAHAL AT HUMINGI NG PAG MAMAHAL?
Masakit, Hapdi, Kirot ang nararamdaman ng isang tao pag sya ay nabigo sa lahat ng aspeto ng PAG IBIG. Pag ibig din ang dahilan kung bakit nagkakaroon ng BUO at WASAK na pamilya. Magkakahalintulad ang lahat ng mga karanasang ito mababae kaman o malalaki, bata o matanda o ano mang kasarian. Bakit sadya atang mapaglaro ang panahon? yan ang tanong ng karamihan sa kabiguang nararanasan. Kinikwestyon ang panahon sa mga pangyayari kung bakit dumating ito sa kanilang buhay... AT bakit nga ba? YAN DIN ANG TANONG KO..
Mali ba ang MAGMAHAL? Tao lang din po ako, may puso at damdamin at marunong magmahal. Normal akong tao, kaya nararamdam ko ito.Normal ba ang taong nanakit sayo? Habang sinusulat ko ang BLOG na'to maraming bagay ang bumabagabag sa akin isipan, kung bakit nya nagawa ito. Minahal ko sya, bakit nya nagawa akong saktan? Nagtatanong ako sakin sarili pakiwari naghahanap ng ekplanasyon sa kabilang sulok ng aking utak. Umiiyak ako... wala ba akong karapatang umibig...Bakit palagi na lang akong bigo pagdating sa pag ibig.San ba ako nagkukulang? Kasinungalingan yan ang tumatatak sa akin utak ang ugat ng lahat. Bakit sya nagsisinungaling..Binigay ko ang lahat halos wala ng matira sakin, yan pa ang igaganti nya... Nagsisinungaling sya, Kasi may MAHAL SYANG IBA. Masakit ang natuklasan ko, san ako nagkulang? lahat ng tanong ko, ako rin ang sumasagot. Siguro malayo ako, dito ako sa ibang bansa, kumakayod, naghahanap ng pera para pagdating ng araw maging maligaya at di maghihirap ang pagsasama. Subalit ngayon san na patutungo ang pagsisikap ko, wala na...
Napakasit sakin ang mga pangyayari... benalewala nya ang lahat ng paghihirap ko... at mismo anniversary namin nakalimutan nya.. at doon ko pa natuklasan na may mahal na pala syang iba. MARCH 22 naging kami at MARCH 22 nag end ang relationship namin.. Tama bang magalit ako sa kanya. O ako sadyang tanga sa pag ibig...
Sa ngayon di ako galit sa kanya, naawa at naiinis ako sa sarili ko bakit ko panahintulutan mahulog ang loob ko s kanya ng todo.. di ako nag iwan ng kunti para sa sarili ko...naintindihan ko sya..di ko kayang pumilit ng tao at mag makaawa na mahalin ako.
BABY(M.A.M.) KUNG MABASA MO ANG BLOG NATO.... MALAYA KA NA... AT TANDAAN MO MAHAL na MAHAL KITA at ang pagmamahal na yan babaunin ko habang ako'y nabubuhay..
PAALAM SA PAGMAMAHAL...

3 comments:

Nebz said...

Dahil ang tunay na pagmamahal ay handang magparaya...

At least natuto ka. Next time na magmamahal ka ulit, alam mo na ang gagawin.

Maswerte ka pa nga e dahil may mga taong napakatagal na panahong hindi nakaramdam ng umibig at magmahal.

Let this episode be a growth for you. Naniniwala akong magmamahal ka pa ring muli.

Higit sa lahat, tandaan mo ang sinabi ng Lola Whitney mo: Learning to love yourself is the greatest love of all...

Godbless kapatid.

Inkversified said...

dropping by

i TV Pinoy said...

Good day...